NFA

Panukalang reporma sa NFA pagpapakita ng ‘Unity in Purpose’ sa pagpapababa ng presyo ng pagkain — Speaker Romualdez

26 Views

SUPORTADO ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang panukala ng Department of Agriculture (DA) na ireporma ang National Food Authority (NFA) upang mapababa ang presyo ng bigas, tulungan ang mga magsasaka, at patatagin ang sistema ng suplay ng pagkain sa bansa.

Layunin ng panukalang isinumite ng DA sa Malacañang na ibalik ang kapangyarihan ng NFA na bumili ng palay sa tamang presyo, at tiyakin na sapat ang suplay ng bigas para mapatatag ang presyo nito.

Layunin din ng panukala na ayusin muli ang NFA at bigyan ito ng malinaw na tungkulin para matulungan ang mga magsasaka at protektahan ang mga mamimili.

Ayon kay Speaker Romualdez, agad na tutugunan ng Kamara ang panukalang batas kapag ito ay naisumite na sa Kongreso.

“This proposal speaks to the unity of purpose among members of the House majority coalition: to prioritize the needs of ordinary Filipinos, especially the farmers who feed our nation and the consumers who struggle with rising food prices,” ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng 306-miyembro ng Kamara de Representantes.

“Ang mahal ng bigas, at ang pinakaapektado ay ang karaniwang pamilyang Pilipino. The good news is that the administration of President Ferdinand R. Marcos Jr. is doing everything in its power to address this and this NFA revamp bill is one way to lower food prices, empower farmers and protect our consumers,” diin ni Speaker Romualdez.

“Kailangan nating tiyakin na may sapat na buffer stock ang gobyerno at may tulong na makakarating sa ating mga magsasaka,” dagdag niya.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan muli ng kapangyarihan ang NFA na bumili ng palay sa makatarungang presyo at magkaroon ng mas matatag na buffer stock system, upang makakilos agad sa panahon ng sakuna, hoarding o pagmamanipula sa merkado.

“Our farmers are our greatest resource. Hindi na dapat pinapayagan ang magsasaka na malugi. Dapat may kakampi sila sa gobyerno. Sa panukalang ito, makakabenta sila ng palay sa presyong makatao,” giit ni Speaker Romualdez.

Kasama rin sa draft bill ang mga probisyon para sa price supports, post-harvest facilities, at mas mahusay na pakikipagugnayan sa NFA at mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang matatag na suplay ng pagkain sa mga komunidad.

“Rice is life for Filipino families. This measure will help ensure that no household goes hungry simply because rice becomes too expensive,” diin ng Speaker.

“Alam naman nating hindi sapat ang ayuda kung ang presyo ng bigas ay hindi kayang abutin ng ordinaryong mamamayan. Dito papasok ang NFA para magbenta ng bigas sa presyong abot-kaya,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara.

Ang panukala ay bahagi ng Bagong Pilipinas na layunin ng administrasyong Marcos para tugunan ang mga problema sa mataas na presyo, kahirapan at mahinang suplay ng pagkain.

“This is not just an NFA reform bill: it’s a social justice bill,” ayon kay Speaker Romualdez. “It puts the full weight of the state behind our farmers and ensures our people will not be left helpless when prices go up due to war, calamity, or market abuse.”

Iginiit din ni Speaker na ang reporma sa NFA ay nagpapakita ng hangarin ng Kamara na maghain ng mga makabuluhang solusyon sa mga pang-araw-araw na problema ng publiko at karaniwang mamamayan.

“Yes, these are reforms for and within the NFA to aid both farmers and consumers. May win-win situation ito, at ito ang ating sisikaping mapanday sa magiging bagong batas,” ayon pa sa mambabatas.

Dagdag pa ni Speaker Romualdez, ang mga nakaraang kontrobersiya na kinasangkutan ng NFA ay magiging batayan upang makabuo ng batas na may pananagutan at iwas sa abuso.

“May mga leksyon tayong nakuha noon, at sisiguraduhin naming hindi na mauulit ang mga pagkukulang sa NFA. Kasama sa reporma ang transparency at maayos na pamamalakad,” ani Speaker Romualdez.

Muling iginiit ng kongresista na buo ang suporta ng supermajority ng Kamara sa pagpasa ng panukala sa lalong madaling panahon.

“Bilang mga lingkod-bayan, tungkulin nating siguruhin na ang bawat Pilipino ay may sapat at murang pagkain, at ang bawat magsasaka ay may maayos na kabuhayan. Magkakasama tayong kikilos para maabot natin ito,” ayon sa pinuno ng Kamara.

“We will not allow politics to get in the way of protecting the public. In unity with the Executive, we will move quickly and decisively to pass a measure that helps both ends of the supply chain,” diin pa ni Speaker Romualdez.