Garcia Sinisiyasat ni Police Major Dave Garcia, hepe ng Homicide section MPD, ang pinangyarihan ng pamamaril na nagresulta sa pagkamatay ng isang babae sa Tondo, Manila.

Babae binaril habang kausap ang utol, dedbol

Jon-jon Reyes Jul 8, 2025
426 Views

TIGOK ang babae matapos barilin sa batok habang nakatayo sa Happyland Brgy. 105, Tondo, Manila noong Martes.

Matinding galit ang tinitingnan na motibo ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) dahil nakatalikod na binaril ang biktima na si alyas Rena Rose, 27.

Napag-alaman na si alyas Aron ang suspek sa krimen.

Ayon kay Police Major Dave Garcia, hepe ng MPD-Homicide Section, bandang alas-12:10 ng hatinggabi nangyari ang pamamaril sa biktima.

Sa imbestigasyon ni PMSg Arvy Macarasig, biglang sumulpot ang suspek sa likuran habang nag-uusap ang biktima at kanyang kapatid at ang ka live in partner nito at sa hindi malamang dahilan, bumunot ng baril at pinagbabaril ang biktima sa likod ng ulo.

Rumesponde ang mga operatiba ng MPD SOCO sa pamumuno ni Police Captain Rex Manlansing kasama ang iba pa ng Forensic Unit ng MPD at kinordon ang lugar.