Calendar
Makati shooting; 1 patay, 2 sugatan
ISA ang patay at dalawa ang sugatan sa pamamaril ng riding-in-tandem (RIT) sa grupo ng mga nag-iinuman noong Huwebes sa Makati City.
Tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng 25-anyos na si alyas John at isinugod sa Ospital ng Makati sina alyas Jeric, 34, na nagtamo ng tama ng bala sa dalawang binti at alyas Ben, 47, na nahagip ng bala sa braso.
Sinabi ng live-in partner ng nasawi na patungo sila sa isang tindahan nang mapadaan sa mga nag-iinuman sa kanto ng Taylo at McKinley Sts., Brgy. Pio Del Pilar.
Nang papaalis na sila dakong ala-1:08 ng madaling araw ng biglang dumating ang dalawang lalaki na magka-angkas sa motorsiklo na huminto sa tapat nila.
Tumakbo ang biktima palayo sa kinakasama subalit pinagbabaril siya ng mga suspek hanggang tamaan sa ulo habang tinamaan din ng ligaw na bala ang dalawa pang biktima.

