Golf course sa tapat ng National Museum gagamitin para sa supporters ni PBBM

161 Views

GAGAMITIN ang golf course sa tapat ng National Museum upang may mapuwestuhan ang mga supporters ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dadalo sa inagurasyon sa susunod na linggo.

Ayon sa Philippine National Police (PNP) ang Intramuros Golf Course ay para sa mga hindi makakapasok sa National Museum na nakalaan para sa 1,200 na bisita.

Kaya umanong mag-accommodate ng 10,000 bisita sa naturang golf course.

Maglalagay din ng mga viewing area na kakabitan ng mga digital billboard sa iba’t ibang lugar para sa mga hindi makakapunta. Ilan sa mga ikinokonsiderang lugar ang Mall of Asia sa Pasay City, Philippine Arena sa Bulacan, Philippine Sports Complex sa Pasig City at North Luzon Express Terminal sa Bulacan.

Aabot umano sa 7,000 pulis ang ipakakalat sa paligid ng National Museum.