Calendar

Lolo inatake sa puso sa kalsada nasaklolohan ng pulis, P80K naisalba
WALANG malay na nakahandusay sa kalsada ang 65-anyos na lolo nang madatnan ng mga pulis Linggo ng hapon sa McArthur Highway, Valenzuela City.
Kaagad na isinugod ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Gerson Bisayas sa Fatima Medical Center ang lolo na napagalamang inatake sa puso habang naglalakad sa naturang kalsada sa Brgy. Marulas.
Naiwan pa sa pinagsakyang moblie patrol ang bag ng lolo na naglalaman ng mga personal na gamit at P80,000 cash na kaagad dinala upang isoli nina P/Cpl. Jurrel Campanero at Pat. Arjay Maranan ng Patrol Base (PB)-2 ng Valenzuela Police sa pamilya ng biktima na kanilang natunton sa nakuhang ID at iba pang dokumento ng pagkakakilanlan sa biktima.
Bagama’t nakaratay pa rin sa pagamutan, stable na ang kondisyon ng lolo, kaya’t labis ang pasasalamat ng kanyang pamilya sa pulisya sa mabilis na pagresponde na nagligtas sa biktima sa kamayatan.
“Ang tunay na serbisyo ay hindi lang pagtugon sa tawag ng tungkulin, kundi ang malasakit sa bawat buhay na ating pinangangalagaan.” pahayag ni Col. Bisayas.