Alas asin, MAAP magtutulungan para sa barangay
Apr 20, 2026
Cavite City heat index umabot sa danger level
Apr 20, 2026
Outing nauwi sa trahedya; batang lalaki, 7, nalunod
Apr 20, 2026
Calendar
Nation
FCIEI binuwag ni PRRD
Peoples Taliba Editor
Jun 24, 2022
454
Views
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbuwag sa First Cavite Industrial Estate, Inc. (FCIEI).
Ipinalabas ng Pangulo ang Memorandum Order 62 kung saan nakasaad na hindi kailangan ng gobyerno ang serbisyo ng FCIEI.
Ang FCIEI ay binuo upang i-develop ang ari-arian ng National Development Company (NDC) sa Dasmariñas, Cavite para ito ay maging industrial at economic zone noong 1995 at ibenta sa mga locator ang lupain sa lugar.
Ayon sa memorandum inirekomenda ng Governance Commission for Government Owned and Controlled Corporation (GC-GOCCs) ang pagbuwag sa FCIEI alinsunod sa GOCC Governance law.

