Tumawid

Koreanong lolo tumawid, nasalpok ng kapwa Koreano, bulagta

Bernard Galang Jul 18, 2025
262 Views

PATAY ang 78-anyos na Korean national na tumatawid sa kalsada noong Huwebes nang masalpok ng sasakyan na minamaneho ng kapwa niya Koreano sa Angeles City, Pampanga.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., nakilala ng Angeles City police ang nasawi na si Gong Soo.

Tumatawid ang biktima sa Fil-Am friendship highway sa harap ng Kakao Building ng mabangga ng itim na sports utility vehicle (NFM 3100) na Koreano din ang nagmamaneho.

Tumilapon ang biktima sa semento at nagtamo ng malubhang sugat sa katawan kaya isinugod ng driver sa PRI Medical Center kung saan idineklarang dead-on-arrival ang biktima.

Nasa kustodiya na ng Angeles City police ang driver at sasakyan habang nakabinbin ang pagsasampa ng kasong reckless Imprudence resulting in homicide laban sa kanya.