Goitia Si Dr. Jose Antonio Ejercito Gotia Ph.D,.Chairman Emeritus ng Four Philippinism Natiomalist Democratic Advocacy groups habang nagbibigay pahayag. JONJON C. REYES

Goitia kinonedan pekeng police blotter

Jon-jon Reyes Jul 19, 2025
338 Views

ISANG personal na paninindigan ang inihayag ni Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia, Ph.D., chairman Emeritus ng Four Philipinism Nationalist Democratic Advocacy groups: People Alliance for democracy and Reform (PADER), Alyansa ng Bayan para sa KAPAYAPAAN at DEMOKRASYA (ABKD), Liga Indipendencia Pilipinas ( LIPI) at Filipinos Do Not Yield ( FDNY- Movement).

Kinondena ni Goitia ang pekeng police blotter ang lumabas online, na nag-uugnay kay Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa insidente ukol sa kilalang personalidad.

“Ang lumabas na post na ay hindi lamang isang malaking kasinungalingan kundi ito ay isang kalkulado at duwag na hakbang upang siraan ang isang opisyal na sa kabila ng lahat ay patuloy na naglilingkod sa bansa.Patuloy na ipinapakita ang isang babae na tahimik ngunit may taglay na lakas at dignidad. Ang nasabing blotter na kumalat nang malawakan ay pinabulaanan na ng Konsulado ng Pilipinas sa Los Angeles at maging ng Malacañang. Wala ito sa mga opisyal na pagkakakilanlan o tanda ng isang tunay na dokumento mula sa Estados Unidos. Ito ay gawa-gawa lamang na idinisenyo upang iligaw ang publiko,” ani Goitia.

Sinabi rin ni Goitia na nakilala niya ang Unang Ginang bilang isang taong may mataas na pinanghahawakang pamatayan para sa kapakapakan ng bayan, pamilya at para sa kaniyang sarili

“Bilang isang ina at babae, siya ay may prinsipyo, matalino, magalang at hindi kailanman naghahanap ng spotlight,” ani Goitia.

Idiniin ni Goitia na may mga batas na nakatakda upang harapin ang ganitong uri ng malisyosong pag-uugali, at dapat gamitin ang mga ito.

Kasama dito ang Cyber Libel (RA 10175) para panagutin ang mga tao sa online na paninirang-puri; falsification of Public Documents (Article 171 Revised Penal Code) dahil ang paggawa ng mga pekeng ulat upang makapinsala sa iba ay isang malubhang pagkakasala at Safe Spaces Act (RA 11313) na nagpoprotekta sa kababaihan, kabilang ang mga naglilingkod sa bayan mula sa panliligalig batay sa kasarian.

“Makakatulong ang International Cooperation na kinasasangkutan ng mga ahensya tulad ng Beverly Hills Police Department at Embahada ng Estados Unidos na masubaybayan kung sino ang gumawa at nagkalat ng pekeng blotter. Sa Depth Local Investigation, nananawagan ako sa ating kagawaran ng Department of Justice (DOJ) DOJ at Department of Interior and Local Government ( DILG) magsagawa ng malalalimang imbestigasyon a alamin kung sino ang mga taong nasa likod ng nagpakalat ng mga maling impormasyon,” sabi ni Goitia.

“Sa mga kapwa ko Pilipino, huwag tayong madaling magpaloko. Mag-isip at maging mapanuri, magtanong, at huwag hayaang hubugin ng kasinungalingan ang ating pang-unawa. At kay First Lady Liza Araneta Marcos, hindi ka nag-iisa. Nakikita ng marami sa amin ang gawaing ginagawa mo at ang biyayang haharapin mo sa kabila ng lahat ng ingay na ito. Tumayo kami at patuloy na tatayo kasama mo,” dagdag ni Goitia.