Calendar
Mapagsamantalang hoarder ng bigas dapat lang habulin
“PANAHON na para suportahan ang ating local na mga magsasaka at habulin ang mga hoarder na nagsasamantala.”
Buong suporta ang ipinahayag ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa utos ni Kalihim ng Agrikultura Francisco Tiu Laurel Jr. na magsampa ng kasong profiteering sa mga mapagsamantalang negosyante sa bigas, sa tulong ng National Food Authority (NFA), oras na mapatunayan ang mga ulat ng hoarding at manipulasyon ng presyo.
“We support DA Secretary Laurel’s directive to file profiteering charges through the NFA and its regional offices once these reports are validated,” ani Pangilinan. “Hoarding, price manipulation, and other abusive practices hurt millions of farmers and Filipino families. It also undermines national efforts to achieve food security. The government must step in.”
Dagdag pa rito, hinimok niya ang Department of Justice (DOJ), Philippine Competition Commission (PCC), at National Bureau of Investigation (NBI) na agad na tumulong sa pagtukoy at pagbubuo ng matitibay na kaso laban sa mga abusadong trader at importer. Iginiit ni Pangilinan na ang ganitong mga gawain ay dapat kilalaning economic sabotage batay sa mga umiiral na batas gaya ng Price Act (RA 7581) at Anti-Agricultural Sabotage Act (RA 12022).
“These are not isolated cases of profiteering,” giit pa niya. “They are systemic attacks on our food security and livelihood systems.”
Bilang pangunahing tagapagtaguyod ng reporma sa agrikultura, binigyang-diin ni Pangilinan na kailangang tugunan hindi lamang ang mga mapanlamang na kasangkot sa krisis sa pagkain kundi pati ang mga ugat ng kahinaan ng sektor. Ipinunto niyang nararapat ipatupad nang buo ang Sagip Saka Act (RA 11321), na siya rin ang may-akda, upang matiyak na direktang makakabili ang mga ahensya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan mula sa mga magsasaka at mangingisda.
“Let’s not just punish the abusers—let’s empower the producers,” aniya. “We cannot talk about food security while turning a blind eye to farmers being paid just P5 per kilo for wet palay,” dagdag pa niya, kaugnay ng mga ulat mula sa Nueva Ecija.
Sa katunayan, binanggit din ni Pangilinan ang nauna niyang inisyatibang “Oplan Sagip Kamatis” sa parehong lalawigan, na inilunsad noong panahon ng kampanya nitong 2025. Sa ilalim ng programang ito, nailigtas ang tonelada ng kamatis na muntik nang masayang—isang konkretong halimbawa ng pangangailangan para sa makatarungan at matatag na merkado para sa mga magsasaka.
“Food security is not just about supply. It’s about justice,” pagtatapos ni Pangilinan. “And justice means protecting our producers from those who exploit them.”

