Tirador Swak sa selda ang suspek matapos maaresto ng sekyo at mabuking na mahulog mula sa kanyang pantalon ang umano’y ninakaw na fire hose Valve sa Binondo, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Trabahador arestado sa tangkang magnakaw ng 2 fire hose valve

Jon-jon Reyes Jul 22, 2025
200 Views

KALABOSO ang isang 45-anyos na trabahador ng isang condominuim makaraan umanong nakawin ang dalawang fire hose valve sa parking level 2 sa Masangkay Street, Binondo Manila, Lunes ng gabi.

Isang project manager ng Plumbing Contractor FDPY Pipe ang nakadiskubreng nawawala ang dalawang fire hose valve habang nagkukumpuni ng automatic fire sprinkler system sa Parking Level 2 sa naturang condo.

Ayon sa ulat, bandang 1:30 ng gabi nang mamataan ang suspek na si Philip. may ka-live in, residente ng Barangay 82,Tondo, Manila.

Pahayag ng testigo, nakita umano ang suspek sa ika-3 palapag ng gusali habang nasa fire exit ito nang nakarinig siya ng malakas na pagsabog saka bumulusok ang tubig, ayon sa salaysay ng suspek.

Taliwas naman ito sa pahayag ng suspek na walang ganuong pagsabog.

Lumitaw sa pagsisiyasat na malimit umanong nawawala ang fire hose valve sa nakalipas na araw.

Dito na nadiskubre sa pagitan ng hita ang nawawalang mga bagay, hanggang sa mahulog ang isa.

Isang security guard ang nag-turnover sa suspek sa tanggapan ng Meisic Police Station 11 ng Manila Police District. Ang suspek ay nanahaharap sa kasong qualified theft o paglabag sa Article 310 ng Revised Penal Code..