Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
BBM1 Ang Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Jr. at Kalihim ng Estado ng U.S. na si Marco Rubio ay nagkita sa Washington, D.C. noong Hulyo 21

U.S. nag-anunsyo ng P3B na tulong panlabas para sa Pilipinas

382 Views

MATAPOS ang pagpupulong ni U.S. Secretary of State Marco Rubio at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas sa Washington, D.C. noong Hulyo 21, inihayag ng U.S. Department of State ang pagbibigay ng hindi bababa sa P3 bilyon ($60 milyon) na tulong panlabas upang suportahan ang mga programa sa enerhiya, maritima, at paglago ng ekonomiya sa Pilipinas.

Ito ang kauna-unahang anunsyo ng bagong tulong panlabas ng pamahalaan ng U.S. para sa alinmang bansa mula nang simulan ng Administrasyong Trump ang pagsusuri at pagsasaayos ng kanilang mga programang panlabas noong Enero.

Bilang bahagi ng inisyatibang ito na hindi bababa sa P3 bilyon, inihayag din ni Secretary Rubio na layunin ng U.S. Department of State na makipagtulungan sa Kongreso ng U.S. upang italaga ang P825 milyon ($15 milyon) para pasiglahin ang pag-unlad ng pribadong sektor sa Luzon Economic Corridor. Kapag naaprubahan, ang pondong ito ay susuporta sa mga pamumuhunan sa larangan ng transportasyon, lohistika, enerhiya, at semiconductors na makatutulong sa paglikha ng mga trabaho at pagsusulong ng pag-unlad ng ekonomiya sa bansa.

Ang mga pagpupulong ni Pangulong Marcos kay U.S. President Donald Trump, U.S. Secretary of State Marco Rubio, at U.S. Secretary of Defense Pete Hegseth ngayong linggo sa Washington, D.C., ay muling nagpatibay sa matatag na ugnayan ng U.S.-Philippines Alliance at nagpabilis ng mas malapit na ugnayang pang-ekonomiya sa pagitan ng dalawang bansa.