Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Tingog

TINGOG, Rep. Romualdez nagsagawa ng magkakasabay na relief operations sa NCR at Rizal

331 Views

Tingog1NAGSAGAWA ng magkakasabay na relief operations ang TINGOG Party-list, sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, sa mga binahang lugar sa Metro Manila at Rizal noong Hulyo 22.

Umabot sa 16,819 hot meals ang naipamahagi ng TINGOG sa mga binahang residente sa pakikipagtulungan sa mga lokal na opisyal at volunteers.

Kabilang sa mga lugar na pinuntahan ng TINGOG ang mga binahang lugar sa Quezon City, Marikina at Maynila sa National Capital Region (NCR), gayundin sa Taytay at Rodriguez sa Rizal, sa tulong ng mga kinatawan ng distrito at lokal na volunteers.

“These relief efforts are part of our commitment to deliver immediate assistance to communities in crisis,” ani TINGOG Rep. Andrew Romualdez. “We thank our local partners and volunteers for working closely with us to ensure that help arrived without delay.”

Binigyang-diin naman ni TINGOG Rep. Jude Acidre ang kahalagahan ng presensya ng pamahalaan sa panahon ng sakuna.

“Hindi lang pagkain ang hatid natin, ito ay pagkalinga at pagtitiyak na hindi sila nag-iisa. Sa panahon ng sakuna, kailangang maramdaman ng ating mga kababayan ang mabilis, maaasahan, at tapat na serbisyo mula sa pamahalaan,” ani Acidre.

Muling binuhay ng TINGOG at tanggapan ni Rep. Romualdez ang kanilang Relief Coordination Desk upang agad na matulungan ang mga distritong nasalanta ng kalamidad katuwang ang mga lokal na pamahalaan at pambansang ahensya.

Nangako ang TINGOG na muling bibisitahin ang iba’t ibang evacuation centers upang maghatid ng tulong sa mga nasalanta.