Rep. Mark Anthony Santos

Remulla karapat-dapat na maging susunod na Ombudsman — Santos

Mar Rodriguez Jul 23, 2025
270 Views

PARA kay neophyte Las Piñas Lone District Representative Mark Anthony Santos, si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang karapat-dapat na maging susunod na Ombudsman dahil sa kaniyang magandang credentials.

Sa kaniyang naging pahayag, pormal nang inieendorso ni Santos si Remulla. Kasunod ang kaniyang malakas na suporta para sa nasabing Justice Secretary bilang susunod na Ombudsman kung saan tinukoy nito ang malawak na karanasan ni Remulla.

Sabi ng baguhang kongresista na hindi matatawaran ang credentials ni Remulla dahil malawak ang kaniyang background sa usaping legal, mahusay ang integridad nito at hindi maisa-sangtabi ang commitment nito sa larangan ng public accountability.

Pagbibigay diin pa ni Santos malaon na aniyang ipinakita ni Remulla ang kaniyang malalim na paggalang sa ating batas at ang matapang na paninindigan nito upang ito ay ipaglaban para sa mga taong lumalabag at lumalapastangan dito.

“Sec. Remulla has long demonstrated a deep respect for the law and a fearless approach to upholding it. His experience is both legislative and executive branches combined with his legal expertise and personal integrity make him the most qualified,” sabi ni Santos.

Kabilang si Remulla sa labing anim na aplikante para sa mababakanteng puwesto sa Office of the Ombudsman kung saan mamimili si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. mula sa 16 para pumalit kay outgoing Ombudsman Samuel Martires.

Bago siya naitalaga sa Justice Department, si Remulla ay nagsilbi bilang three-term congressman at dating Gobernador ng Cavite kung saan ang ilan sa mga tinutukan nito ay ang disaster resilience, digital governance at paghahain ng mga panukala laban sa red-tape.