Calendar
Let there be light unahin mga ospital, paaralan
HINIMOK ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga power distribution utilities at electric cooperatives na pabilisin ang pagpapanumbalik ng suplay ng kuryente, partikular sa mga ospital at paaralan sa mga lugar na sinalanta ng pagbaha.
“With floodwaters already receding in many areas, power utilities should move quickly to restore electricity in locations that experienced outages due to heavy monsoon rains,” ani Gatchalian.
Ayon sa senador, ang mga pasilidad na nagsisilbing pangunahing haligi ng kalusugan at edukasyon ang dapat unang makuryente. “Power restoration should be prioritized in evacuation areas and critical facilities such as hospitals and learning centers,” giit niya.
Iginiit ni Gatchalian na ang kuryente ay mahalaga para matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyong medikal at pag-aaral para sa mga nasalanta. “Kuryente ang lifeline ng kalusugan, edukasyon, at pag-asa ng mga nasalanta. Kaya’t dapat prayoridad ang mabilis at ligtas na pagpapanumbalik ng suplay ng kuryente sa mga binahang lugar.”
Dagdag pa niya, kailangang magtulungan ang mga lokal na pamahalaan at mga tagapagbigay ng enerhiya upang agad na mapagana ang mga ospital at mapaghandaan ang ligtas na pagbubukas ng mga paaralan.

