Speaker Romualdez

Madrona buo suporta kay Romualdez bilang Speaker

281 Views

NAGPAHAYAG ng buong suporta si Romblon Rep. Eleandro Jesus “Budoy” Madrona, isang miyembro ng Nacionalista Party (NP) sa muling pagiging Speaker ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong 20th Congress.

Batay sa ipinakitag pamumuno ni Rep. Romualdez noong 19th Congress, sinabi ni Rep. Madrona na maaasahan ang uri ng pamamahala nito na nagbalik ng integridad ng Kamara de Representantes at nagsulong ng kapakanan ng mga Pilipino.

“Suportado natin ang lideratong subok at maaasahan. Speaker Martin has always shown steady, inclusive, and responsive leadership. He led the House during some of the most critical moments of the 19th Congress and consistently proved that his guiding principle is simple: support what is good for the country, protect the institution, and always prioritize the people’s welfare,” ani Madrona.

Sinabi ni Madrona na nakuha ni Rep. Romualdez ang tiwala at kumpiyansa ng mga mambabatas mula sa iba’t ibang partido sa pamamagitan ng pagtataguyod ng pagkakaisa sa Kamara, pagsusulong ng mahahalagang panukalang batas, at pagtulong sa administrasyong Marcos, na kanyang nagawa ng hindi isinusuko ang pagiging independent ng Kamara.

“Under his speakership, the House passed landmark legislation and maintained a very productive working relationship with the Executive Branch, all while staying true to our constitutional mandate. That kind of leadership is both rare and essential,” dagdag pa ni Madrona.

Binigyang-diin ni Madrona na sa harap ng mga panukalang batas ukol sa pambansang badyet, reporma sa agrikultura, edukasyon, at muling pagbangon ng ekonomiya, kailangan ng Kongreso ng isang lider na subok na at mapagkakatiwalaan.

“At this critical juncture, we cannot afford uncertainty or experimentation. We need continuity, competence, and clarity of vision—and Speaker Martin embodies all three,” saad pa ng mambabatas.

Hinimok din niya ang kanyang mga kapwa mambabatas na suportahan ang kandidatura ni Rep. Romualdez, na ngayon ay may suporta na ng 293 na kongresista, upang ipagpatuloy ang pamumuno nito sa Kamara sa huling bahagi ng termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at iginiit na ang kakayahan ng Kamara na maghatid ng resulta para sa bayan ay nakasalalay sa matatag na pamumuno.

“I fully support Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. He is the right leader for the job, and the 20th Congress will be in good hands under his continued stewardship,” dagdag pa ni Madrona.