Calendar
Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez
Romualdez: Kahit anong bagyo, di tayo susuko, tatayo tayo
OPISYAL ng tinanggap ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagiging Speaker ng Kamara de Representantes sa pagbubukas ng sesyon ng 20th Congress, at pinagtibay ang kanyang paninindigan para sa isang tapat na pamumuno at pagsusulong ng legislative agenda na naka-ugat sa tungkuling konstitusyonal at may moral na pananagutan.
Matapos iboto ng 269 kongresista, sinabi ni Speaker Romualdez na kanyang tinatanggap ang panibagong mandato nang may kababaang-loob at matibay na diwa ng pananagutan.
“With humility in my heart and a deep sense of duty, I rise today to accept the renewed trust you have given me to serve once again as Speaker of the House of Representatives,” ani Speaker Romualdez sa harap ng kanyang mga kapwa mambabatas at mga panauhin sa plenary hall.
“Ang tiwala ay hindi gantimpala, kundi panibagong hamon. At bawat hamon ay pagkakataon para maglingkod nang mas tapat, mas totoo, at mas buo,” dagdag pa niya.
Nagbigay rin si Speaker Romualdez ng mensahe ng determinasyon at linaw sa konstitusyon, at ginamit ang pagkakataon upang bigyang-diin ang pananagutan sa serbisyo-publiko at ang naging tugon sa desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang impeachment complaint laban kay Pangalawang Pangulong Sara Duterte.
Sa pagbibigay-diin sa Kongreso bilang kapantay na sangay ng gobyerno na may malinaw na mandato sa ilalim ng Konstitusyon, iginiit ni Speaker Romualdez ang eksklusibong kapangyarihan ng Mababang Kapulungan na magsimula ng impeachment proceedings.
“And today, as we formally begin this new chapter, we do so amid a development that once again calls us to reflect on our sacred constitutional duty—the Supreme Court’s decision on the impeachment case filed against the Vice President,” ani Speaker Romualdez.
“Let me say this with the utmost respect: The Supreme Court has spoken, and we recognize its decision. But let it never be said that the House of the People bowed in silence,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Muling binigyang-diin niya ang pangunahing papel ng Kongreso sa isyu ng pananagutan at pinatibay ang hangganang itinakda ng Konstitusyon sa pagitan ng mga sangay ng pamahalaan.
“At the same time, we draw a line: the power to initiate impeachment is the exclusive domain of this Chamber. It flows from the people’s will and rests solely on the clear language of the Constitution. It is neither granted nor guided by any outside institution. The Court may close a case, but it cannot close a cause. The pursuit of accountability is not a moment — it is a mandate,” pagpapatuloy ni Speaker Romualdez.
Nilinaw rin ni Speaker Romualdez na ang mga aksyon ng Kamara ay hindi bunga ng pulitika, kundi ng prinsipyo.
Ipinahayag niya na hindi kailanman maaapektuhan ng panlabas na presyon ang integridad ng Kamara at mananatili itong malaya sa gitna ng anumang kontrobersiya.
“We are not moved by personalities, but by principles. We are not driven by vendetta, but by vigilance. Our goal has never been to destroy—only to demand the truth. When institutions falter, the House of the People always stands firm. When others fear the storm, your House holds the line. And as your Speaker, I will be here—not just to preside, but to protect,” diin pa niya.
Sa pagtatapos ng kanyang talumpati na puno ng determinasyon at pananagutan, iginiit ni Speaker Romualdez na mananatiling matatag ang Kapulungan sa harap ng anumang pagsubok sa institusyon.
Inihalintulad niya ang kanyang papel sa isang ama ng tahanan na hindi natutulog sa oras ng unos, at nangakong sasamahan ang kanyang mga kasamahan sa anumang daraanan.
“Hindi ko kayo iiwan sa gitna ng unos. Gaya ng ama ng tahanan na hindi natutulog kapag may bagyong papasok, babantayan ko ang ating Kapulungan. Sisiguraduhin kong walang bubong ang babagsak, walang pader ang magigiba, at walang miyembro ang mapapabayaan,” aniya.
“Kahit anong bagyo at baha, hindi tayo susuko. Titindig tayo at hindi panghihinaan ng loob. Kasama ninyo ako sa pagsalubong ng bagong araw,” ani pa ni Speaker Romualdez.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pananagutan sa serbisyo publiko, at inalala ang konstitusyonal na mandato ng Kamara bilang tunay na kinatawan ng taumbayan.
“Our work as legislators is both constitutional and moral. It is through the laws we pass — and the accountability we uphold — that we protect rights, promote equity and shape the future of our democracy,” giit ni Speaker Romualdez. “Bawat batas na ating ipinapasa ay salamin ng pangarap ng bawat Pilipino—mula sa estudyanteng nangangarap, sa manggagawang lumalaban, hanggang sa pamilyang patuloy na umaasa.”
Nagpasalamat si Speaker Romualdez sa kanyang mga kasamahan sa Kamara para sa tiwala at pagkakaisa, kabilang na ang mga may magkakaibang pananaw, at binigyang halaga ang papel ng masiglang talakayan sa isang gumaganang demokrasya.
“To all my colleagues—thank you for your continued support and your unwavering commitment to public service. To those who have offered different views, I thank you as well. Your voices enrich our debates and strengthen our democracy. It is in this respectful exchange of ideas that we discover enduring, just, and effective solutions,” aniya.
“Hindi kailanman kahinaan ang pagkakaiba ng opinyon. Sa Kongresong may respeto, ito’y pinagmumulan ng talino, tapang, at tunay na pagbabago,” dagdag pa niya.
Nangako rin si Speaker Romualdez na ang Kamara sa ilalim ng kanyang pamumuno ay kikilos nang may kakayahan at integridad.
“As your Speaker, I reaffirm our shared commitment: to be a House that is transparent in conduct, firm in principle, and always responsive to the needs of our people. We shall lead with competence, legislate with compassion, and govern with integrity,” giit niya.
Nagpasalamat din si Speaker Romualdez kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa patuloy na pagtitiwala sa pamunuan ng Kamara.
“I thank His Excellency, President Ferdinand R. Marcos Jr., for his continued trust and confidence in the leadership of this Chamber. The House of Representatives stands ready to be your reliable partner in building a Bagong Pilipinas—a nation that is inclusive, resilient, and grounded in justice and opportunity,” aniya.
Pagkatapos ay iniukol ni Romualdez ang kanyang mensahe sa sambayanang Pilipino.
“And to our beloved Filipino people: you are not just our mandate. You are our mission. You are the reason we are here,” aniya.
“This House is your voice. And we are ready—ready to speak up, ready to stand up, and ready to act in your name and for your future,” dagdag pa niya. “Ang Kapulungan na ito ay boses ng taumbayan. At kung boses ng taumbayan ang ating dala, tungkulin nating ito’y gamitin—para sa kanilang karapatan, kabuhayan, at kinabukasan.”
Nanawagan si Speaker Romualdez ng pagkakaisa sa mga mambabatas, at binigyang-diin na ang kolektibong pagkilos ang dapat maging tatak ng ika-20 Kongreso.
“Let this be a Congress remembered not only for the laws we passed, but for the lives we changed,” aniya. “The judgment that matters most is not that of any single court—but of history, and of the people we serve.”
Unang naging miyembro ng Kongreso si Speaker Romualdez noong 2007 at nagsilbi ng tatlong sunod na termino hanggang 2016. Pagkaraang magpahinga, bumalik siya noong 2019 at agad umangat sa liderato, nagsilbi bilang House Majority Leader sa 18th Congress noong 2022.
Siya ang pangunahing may-akda o sponsor ng ilang mahahalagang batas tulad ng Bayanihan laws noong pandemya, New Agrarian Emancipation Act, Maharlika Investment Fund Act at ang batas na lumilikha ng mga Specialty Center sa mga ospital sa ilalim ng Department of Health, bukod sa marami pang iba.
Siya rin ang pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats party at ng Philippine Constitution Association (PhilConsa), gayundin ng ilang pangunahing organisasyong legal, sibiko at akademiko. Nakapagtapos siya ng abogasya sa University of the Philippines.

