Chiz Escudero

Chiz muling pinuwesto bilang Pangulo ng Senado

397 Views

MULING ipinuwesto si Senador Francis “Chiz” Escudero bilang Pangulo ng Senado ngayong Lunes, Hulyo 28, sa pamamagitan ng 19 boto sa pagbubukas ng Ika-20 Kongreso. Ipinabatid ng kanyang muling pagkakahalal ang patuloy na pagtitiwala sa kanyang pamumuno, na una niyang ginampanan noong Mayo 2024.

Samantala, si Senador Vicente “Tito” Sotto III ang hinirang naman na Senate Minority Leader matapos makakuha ng limang boto. Sa kaugalian ng Senado, bumoto ang dalawa para sa isa’t isa bilang paggalang. Sa proseso ng botohan, naging malinaw ang bagong pagkakahanay ng mga senador—ang sumuporta kay Escudero ay bumuo ng majority bloc, habang ang nasa panig ni Sotto ay tumindig bilang minorya.

Pinanatili rin sa puwesto si Senador Jose Jinggoy Estrada bilang Senate President Pro Tempore, habang si Senador Joel Villanueva ang napiling Senate Majority Leader at bagong pinuno ng Committee on Rules.

Sa pagbubukas ng Kongreso, inanunsyo rin ang paglipat nina Senador Kiko Pangilinan at Bam Aquino mula sa oposisyon patungo sa majority bloc. Ang kanilang pagsapi ay isang malinaw na senyales ng pagbabago sa dinamikong pulitikal ng Senado.

Sa kabilang banda, si Senador Risa Hontiveros ay pormal ng lumipat sa minorya matapos imbitahan nina Sotto, Panfilo Ping Lacson, at Sen. Miguel Migz Zubiri. Bagama’t nagkaroon na siya ng ilang hindi pagkakaunawaan kay Sotto sa mga nakaraang taon, iginiit ni Hontiveros ang kanyang pagiging independiyente bilang mambabatas. “She emphasized that her alignment with the minority is based on shared goals in maintaining oversight and fiscal responsibility.”

Sa kanyang talumpati matapos mahalal, nagpasalamat si Escudero sa kanyang mga kasamahan at hinikayat silang pagtuunan ng pansin ang mga pangunahing isyu ng bansa: pagbaba ng gastusin sa araw-araw, pagpapabuti ng serbisyong medikal at edukasyon, paglikha ng trabaho, at pagpapatibay ng mga imprastruktura at sistema ng batas.

“He stressed the importance of calm and reasoned leadership amid rising public pressure and social media influence, and said the Senate must remain guided by constitutional principles and institutional responsibility.”

Binigyang-diin rin niya na ang Senado ay nararapat manatiling bukás sa iba’t ibang pananaw, at hindi dapat ikabit ang hindi pagkakasundo sa ideolohiya bilang hadlang sa pambansang interes.

“He emphasized that leadership within the Senate should be exercised collectively, not individually.”

Ipinabatid ni Escudero na kabilang sa mga pangunahing adyenda ng Senado sa bagong termino ang mga reporma sa pabahay, edukasyon, sahod, kahandaan sa klima, at seguridad. Hinimok din niya ang kapwa mambabatas na kalimutan na ang kulay ng pulitika at magkaisa sa ilalim ng iisang bandila—ang simbolo ng pagkakabansa.

Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, pinaalalahanan niya ang mga senador sa kanilang tungkulin: ang maglingkod nang may dangal, kababaang-loob, at lubos na katapatan sa sambayanang Pilipino.