Calendar
Sotto pinangunahan 1st caucus ng Minority Bloc sa Senado
PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Senador Vicente “Tito” Sotto III ang kauna-unahang caucus ng Minority Bloc aa Senado sa ikalawang araw ng ika-20 Kongreso.
Kabilang sa dumalo sa pulong sina Senador Panfilo Lacson, Loren Legarda, Risa Hontiveros, at Juan Miguel Zubiri. Inilahad ng grupo ang kanilang paunang mga hakbang at mga prayoridad sa panukalang batas para sa bagong sesyon.
“This is the first of many Minority Bloc caucuses, and we have so much to discuss,” pahayag ni Sotto. “As the Minority Bloc, we’ll meet regularly to make sure our stand is clear, our principles are firm, and our work is focused on protecting the public interest,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin ng Minority Bloc na magsasagawa sila ng tuloy-tuloy na mga pagpupulong upang pagkaisahin ang kanilang mga paninindigan sa mahahalagang isyung pambansa at upang makabuo ng isang solidong lehislatibong adyenda.

