Lacson

Ping porma na tinanggap pagiging chair ng Electoral Reforms Committee

237 Views

PORMAL na tinanggap ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang pagiging tagapangulo ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, kasabay ng panibagong pagtutok sa pagsusulong ng Anti-Political Dynasty Act bilang pangunahing panukala sa kanyang agenda.

Ang nasabing posisyon ay inialok kay Lacson ni Senate President Francis Escudero sa pamamagitan ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III.

Sa isang panayam sa radyo, tiniyak ni Lacson na agad niyang ipapatawag ang pagtalakay sa kanyang panukalang batas, kasama ang isa pang nakabimbin sa komite.