Speaker Romualdez

Civil Society Groups nagpasalamat sa suporta ni Speaker Romualdez sa rehab ng Marawi

249 Views

NAGPUNTA sa Maynila ang mga lider ng civic society mula sa Marawi upang personal na pasalamatan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa patuloy nitong suporta sa pagbangon ng kanilang lungsod, lalo na sa pagtiyak ng pondo para sa Marawi Compensation Fund at rehabilitasyon ng siyudad.

Sinabi ni House Deputy Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na ang pagbisita ay inorganisa ng Marawi CSOs Convergence Group (MCCG), isang grupo ng mga civil society, guro, at mga propesyonal sa Marawi na matagal nang tumutulong sa pagbangon ng lungsod matapos ang gulo.

“The MCCG represents the most legitimate and dynamic voices from Marawi. These are professors, radio personalities, business leaders and community volunteers who have been working with us since Day One of the rehabilitation. That’s why their gesture of thanks means a lot,” ayon kay Adiong, dating pinuno ng Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation noong 19 Congress, matapos ang maikling pag-uusap nila ni Speaker Romualdez noong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Adiong, dating tagapagsalita ng Task Force Bangon Marawi, dumating ang grupo upang pormal na magpasalamat kay Speaker Romualdez at sa Kamara de Representantes sa kanilang matibay na suporta sa Marawi Compensation Fund—isang mahalagang mekanismo ng tulong para sa mga residenteng nawalan ng tahanan, kabuhayan, at lupang pag-aari dahil sa pag-atake noong 2017.

“They wanted to express their thanks in person because for us in Marawi, rehabilitation is not just about rebuilding structures. It’s about rebuilding lives. And Speaker Romualdez has helped push that agenda forward through legislation,” ani Adiong.

Binigyang-diin ni Adiong, si Speaker Romualdez ay may malaking bahagi sa pagsigurong hindi nakakalimutan sa taunang pambansang badyet ang mga kailangan para sa pagbangon ng Marawi.

Ani Adiong, sa pamumuno ni Speaker Romualdez, sinuportahan ng Kamara ang mga proyektong pang-imprastruktura na may halagang bilyong piso mula noong Marawi siege.

“Marawi’s recovery is not a footnote for this administration, and Speaker Romualdez made sure of that. It takes political will to fight for these funds in a tight fiscal environment,” dagdag pa ng mambabatas mula sa Mindanao.

Aniya, na kahit nagpapatuloy pa ang rehabilitasyon ng lungsod, ito ay unti-unti nang umuusad dahil sa tuloy-tuloy na suporta ng Kongreso, lalo na mula sa pamunuan ng Kamara.

“We’ve seen how communities are slowly rebuilding. Roads have been laid, schools reopened, places of worship reconstructed. But we still have work to do, especially on livelihood, permanent shelter and ensuring that compensation reaches the right people,” diin ni Adiong.

Dagdag pa niya, ang ginawa ng MCCG ay hindi lamag isang pagbisita bilang paggalang, kundi isang pagpapahayag ng pasasalamat at pakikiisa.

“They carried with them the collective appreciation of a city that refuses to be forgotten. Marawi is grateful for the Speaker’s help, and the message was clear: please continue walking with us.”

Ayon kay Adiong, nagtapos ang pulong sa bagong kasunduan na mas palalakasin pa ang pagtutulungan sa pambansang pamahalaan nang may pagkakaunawaan at pananagutan.

“Marawi’s story isn’t over yet, but we are hopeful. And part of that hope comes from knowing that we have allies in Congress who believe in the importance of justice and dignity in our recovery,” giit ni Adiong.