Suspek

Ibang klaseng ‘papa’, ‘bata’ ang ginahasa

Edd Reyes Aug 2, 2025
246 Views

NASUKOL ng mga pulis ng Northern Police District ang suspek sa panghahalay sa menor-de-edad na biktima sa Valenzuela City.

Dakong ala-1:10 ng hapon nang dakpin ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Gerson Bisayas si alyas Papa Joey, 35, sa Francisco St., Brgy. Lingunan, Valenzuela.

Sa ulat ni Col. Bisayas kay NPD acting director P/BGen. Jerry Protacio, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest galing kay Valenzuela Family Court Presiding Judge Mateo Altarejos ng Branch 16 dahil sa mga kasong dalawang bilang na panghahalay at paglabag sa RA 7610 o ang Special Progection of Children Against Abuse, Exploitation and Distrimination Act.

Walang piyansang inirekomenda ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ni alyas Papa Joey.