Cavite

Imus may 5 bagong ambulansya

Dennis Abrina Aug 2, 2025
358 Views

DUMALO si Imus City Mayor Alex ‘AA’ Advincula sa turnover ng limang bagong ambulansya ng lungsod bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2025 noong Biyernes.

Ayon kay Advincula, tinitiyak lamang na mas mapabilis pa ang pagresponde sa mga sitwasyong nangangailangan ng agarang aksyon para sa komunidad sa Imus.

Sa patuloy na pagkakaisa at malasakit sa isa’t isa, lalo pa nating mapalalakas ang kakayahan na harapin at malampasan ang anumang hamon ng kalamidad, ayon sa alkalde.