Calendar
Japanese national na sangkot sa panloloko ng ‘Luffy’ huli ng BI
SA utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya laban sa transnational organized crime, naaresto ng Bureau of Immigration’s Fugitive Search Unit si Kensuke Kudo, isang Japanese na miyembro umano ng “Luffy” criminal syndicate.
Dinakip ang suspek noong Agosto 1 ng National Police Agency ng Japan at PNP-Intelligence Group sa bisa ng arrest warrant mula sa Tokyo Summary Court at derogatory record sa immigration
Ayon sa ulat, si Kudo ay kasabwat sa isang malaking operasyon ng panlilinlang sa Japan.
Nagpapanggap ang grupo ni Kudo bilang mga pulis upang makuha ang ATM cards at personal na impormasyon ng matatandang biktima.
Ginamit umano ang mga ito upang makapag-withdraw ng malaking halaga ng pera nang walang pahintulot.
Naaresto si Kudo sa pagiging “overstaying and undesirable alien” dahil paso na ang kanyang pasaporte mula Oktubre 2024 at hindi ito na-renew.
“Malinaw ang utos ni Pangulong Marcos—hindi magiging ligtas na kanlungan ng mga kriminal ang Pilipinas,” sabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado
Si Kudo ay pansamantalang nakapiit sa BI Warden Facility habang nakabinbin ang mga proseso para sa kanyang deportasyon.

