Vargas

Mas matibay na proteksyon sa mga frontliner pag may disaster hiniling

246 Views

SA pagbubukas ng Ika-20 Kongreso sa gitna ng sunod-sunod at mapaminsalang mga bagyo, muling nanawagan si Quezon City 5th District Representative PM Vargas ngayong Linggo para sa mas matibay na proteksyon at mas pinahusay na benepisyo para sa mga frontliner na tumutugon sa mga sakuna.

Muling inihain ni Vargas ang isang napapanahong panukala na layong gawing institusyonal ang pangmatagalang suporta para sa mga manggagawang laging nakalantad sa panganib tuwing may kalamidad.

“Buhay nila ang pinaka-nanganganib tuwing may sakuna. Sila ang unang rumeresponde, kaya dapat lang na unahin din natin sila,” ani Rep. Vargas, na binigyang-diin ang pangangailangang tiyakin ang kaligtasan ng mga Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) personnel.

Ang kanyang panukalang batas, House Bill 2268 o ang tinatawag na “Magna Carta of Disaster Risk Reduction and Management Workers Act”, ay naglalayong kilalanin at bigyang-proteksyon ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga DRRM workers sa pagtugon sa sakuna at sa pagbibigay ng katatagan sa bansa.

Nakasaad sa panukala ang isang komprehensibong balangkas ng mga patakaran upang matiyak ang mga sumusunod:

Seguridad sa trabaho at proteksyon laban sa hindi makatarungang pagtanggal at diskriminasyon;

Hazard pay, night shift differential, at bayad sa overtime;

Access sa serbisyong medikal, mental health, at psychosocial support;

Paglalaan ng protective equipment, mga pagsasanay, at pagkakataon para sa pagpapalawak ng kakayahan;

Makatarungang kondisyon sa trabaho para sa parehong regular at kontraktwal na DRRM personnel.

“Ang mga DRRM workers ang unang dumarating at huling umaalis kapag may kalamidad. Sila’y nagtatrabaho sa ilalim ng matinding panganib at kondisyon, ngunit patuloy pa ring isa sa mga hindi sapat na kinikilala sa serbisyo publiko,” ayon kay Vargas. “Matagal nang dapat naisabatas ang Magna Carta—tungkulin nating protektahan ang mga nagpoprotekta sa atin.”

Ang panukalang batas ay unang inihain ng kanyang kapatid, si dating Quezon City District V Representative Alfred Vargas, noong siya’y miyembro pa ng Kongreso. Layunin nitong ipagpatuloy ang adbokasiya para sa kahandaan sa sakuna at karapatan ng mga manggagawa.

Sa kasalukuyan, ang House Bill 2268 ay nasa ilalim ng deliberasyon ng House Committee on Disaster Resilience. Si Rep. PM Vargas ay kinikilala rin bilang isa sa mga pangunahing may-akda ng Republic Act No. 12076 o ang “Ligtas Pinoy Centers Act” na ipinasa noong Ika-19 na Kongreso, na naglalayong magtayo ng mga permanenteng evacuation centers sa lahat ng bayan sa buong bansa.

VARGAS RENEWS CALL TO PROTECT FRONTLINE DISASTER WORKERS

AS the 20th Congress opens against the backdrop of successive and destructive typhoons, Quezon City 5th District Rep. PM Vargas on Sunday renewed his call for stronger protection and improved welfare benefits for frontline disaster responders.

Vargas reintroduced a timely measure seeking to institutionalize long-term support for those most exposed to danger during calamities.

“Buhay nila ang pinaka-nanganganib tuwing may sakuna. Sila ang unang rumeresponde , kaya dapat lang na unahin din natin sila”, says Rep. Vargas referring to the urgent need to safeguard DRRM personnel. His proposed measure, House Bill 2268, also known as “Magna Carta of Disaster Risk Reduction and Management Workers Act”, seeks to formally recognize and protect the essential role DRRM workers play in disaster response and national resilience.

The proposed bill provides a comprehensive policy framework to ensure:

•Job security and protection from unjust dismissal and discrimination;

•Hazard pay, night shift differential, and overtime compensation;

•Access to medical, mental health and psychosocial support;

•Protective equipment, capacity building, and training opportunities;

•Fair working conditions for both regular and contractual DRRM personnel;

“DRRM workers are often first to respond and last to leave when calamities strike. They operate under operate under extreme and hazardous conditions yet continue to be among the most undervalued in public service”, notes Vargas. “The Magna Carta is long overdue—it is our obligation to protect those who protect us”.

First introduced by former Quezon City District V Representative and his brother, Rep. Alfred Vargas, during his term in Congress, the measure builds upon the legislative legacy of advancing disaster preparedness and worker protection.

Currently, HB 2268 is pending deliberation in the House Committee on Disaster Resilience. Rep. Vargas is also credited as one of the principal authors of Republic Act No. 12076 or the “Ligtas Pinoy Centers Act” enacted in the 19th Congress to establish permanent evacuation centers across all municipalities nationwide.