PAGASA

Hanggang 15 bagyo posibleng pumasok sa PAR sa nalalabing bahagi ng 2022

158 Views

HANGGANG sa 15 bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa nalalabing bahagi ng 2022.

Ayon kay Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dalawa hanggang tatlong bagyo ang maaaring pumasok sa PAR sa mga buwan ng Hulyo, Agosto, Setyembre at Nobyembre.

Dalawa hanggang apat na bagyo naman sa buwan ng Oktobre at isa hanggang dalawa sa huling buwan ng taon.