Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Fetus Ang fetus na nakita sa gilid ng tulay. Kuha ni JONJON C. REYES

Napagkamalang manyika sa gilid ng tulay, fetus pala

Jon-jon Reyes Aug 6, 2025
245 Views

ISANG fetus na napagkamalang manyika ng babaeng streetsweeper sa gilid ng tulay malapit sa pampublikong paaralan sa northbound lane ng Mel Lopez Boulevard Barangay 20,Tondo, Manila, Miyerkoles ng umaga.

Dahil dito agad na nakipag-ugnayan ang nakakita sa mga tauhan ng Station Tactical Motorized Rider’s Unit (TMRU) ng Sector 2 sa pangunguna ni Police Lieutenant Christian Guisando ng Delpan Police Station 12 ng Manila Police District.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang 7:45 ng umaga nang nakaamoy ng di maganda ang street sweeper sa nasabing lugar. Nang kanyang imbestigahan ay tumambad sa kanya ang fetus.

Ipinagbigay alam ang insidente sa tanggapan ng Homicide Section ng MPD.

Ang fetus ay dinala sa MPD morgue upang mabigyan ng maayos na libing.