Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Vietnamese

2 Vietnamese nagbo-botox ng walang lisensiya sa Makati, huli

Edd Reyes Aug 8, 2025
244 Views

ARESTADO sa entrapment ng mga pulis ang dalawang Vietnamese national noong Huwebes sa Makati City dahil sa pagsasagawa ng cosmetic surgery ng walang medical license.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director P/BGen. Randy Arceo ang nadakip na si alyas Van, 36, at ang kasabwat niyang babae na si alyas Thi, 35.

Isinagawa ng mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) ng SPD ang paghuli sa dalawa ng magpanggap ang isa nilang tauhan na magpapa-botox at dermal filler sa kanilang beauty clinic sa Salamanca St., Brgy. Poblacion.

Nakumpiska ng mga tauhan ng DSOU ang iba’t-ibang kagamitan sa pagsasagawa ng cosmetic procedures, mga gamot at buy-bust money na ibinayad ng pulis na nagpanggap na magpapa-botox.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 2382 (The Medical Act of 1959) sa piskalya ng Makati City ang dalawa dahil sa pagsasagawa ng aesthetic procedures ng walang lisensya.