Calendar
Ang suspek na pumatay kay Leninsky “Bogs” Bacud, ikatlong nominee ng ABP, noong Abril 28 sa may P. Guevarra St. Bgy.435 Sampaloc, Maynila. JONJON C. REYES
ABP magbibigay ng P1M sa makakapagturo sa pumatay sa ABP Party List nominee
NAG-AALOK ang Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) ng ₱1 milyong pabuya sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga pumatay kay Leninsky “Bogs” Bacud, ikatlong nominee ng ABP, noong Abril 28 sa may P. Guevarra St., Bgy.435, Sampaloc, Maynila.
“Hindi ito basta pagpatay. Isa itong pag-atake sa isang taong buong-pusong naglingkod sa bayan. Hindi kami tatahimik hangga’t hindi nakakamit ang hustisya,” pahayag ng ABP.
Kinilala ang mga suspek na sina Ford at Joshua. Noong Hulyo 30, naglabas ang Regional Trial Court, Branch 33 ng non-bailable warrant of arrest laban sa kanila. Naka-alerto na ang mga pulis na nagsasagawa ng manhunt opeation at sa lahat ng operasyon ay kailangang may body cam na gagamitin.
Si Ford ay huling nakatira sa NCR samantalang si
Joshua ay nakatira sa Maragondon, Cavite
Si Ford ay pinuno umano ng isang grupong peke na iligal na gumagamit ng pangalan ng ABP. Si Joshua naman ang sinasabing isa sa mga sakay ng motor na ginamit sa pananambang kay Bacud
“Nananawagan kami sa publiko—kung may alam kayo ay magsalita na para sa ikadadakip ng mga kriminal. Bawat impormasyon ay mahalaga,” dagdag ng ABP.
Makipag-ugnayan sa:
PNP Hotline: 117
CIDG: 0951-059-3843
Ang ₱1 milyong pabuya ay ibibigay sa sinumang makapagbibigay ng tamang impormasyon at ituturing na confidential. Makakaasa na sisiguraduhing ligtas ang sinuman na magbibigay ng tip o impormasyon.
“Ito ay laban para katotohanan, hustisya at para sa layunin ng aming kilusan. Hindi kami uurong. Hindi kami titigil. Hahabulin namin ang mga salarin hanggang sa makamit ang hustisya,” ayon sa ABP.

