Lola Nasawi ang 80-anyos na lola matapos mabanga ng motorsiklo habang tumatawid sa Rizal Avenue corner Samal St., Tambunting, Sta. Cruz, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Lola nasalpok ng motorsiklo. dedbol; rider sugatan

Jon-jon Reyes Aug 11, 2025
396 Views

TODAS ang 80-anyos na lola nang masalpok ng rumaragasang motorsiklo habang tumatawid sa kanto ng Rizal Avenue at Tambunting St., Sta. Cruz, Manila noong Lunes.

Nakilala ang namatay na si Leonila at nasugatan din ang rider na si alyas RJay.

Ayon kay Police Capt. Dennis Turla, Chief of Investigation ng Manila District Traffic Enforcement Unit, bandang alas-6:30 ng umaga ng mangyari ang aksidente.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Argyll De Guzman, bago ang insidente binabagtas ng rider ang northbound ng Rizal Avenue patungong Caloocan.

Pagsapit niya sa kanto ng Samal St., biglang tumawid ang lola kaya’t hindi na niya nakontrol ang manibela kaya nabangga niya ito.

Sumemplang ang rider at tumilapon naman ang matanda dahil sa impact ng salpok.

Ayon sa mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, nabagok ang ulo ng matanda na siyang ikinamatay nito.