Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Debris

Debris mula condo project bumagsak sa 3 estudyante sa QC, 2 biktima kritikal

691 Views

SUGATAN ang tatlong estudyante, dalawa sa kanila ang nasa kritikal na kondisyon matapos mabagsakan ng debris mula sa ginagawang condominium building sa Quezon City nitong Martes ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District nangyari ang insidente bandang 4:30 ng hapon naglalakad umano ang tatlong lalaking esrudyante ng mabagsakan ng debris mula sa ikaapat na palapag ng isang condominium building sa kanto ng Tomas Morato at Roces Avenue sa Quezon City.

Dalawa umano sa mga biktima ay kambal, habang ang isa pang biktima ay kaklase umano nila.

“Nagulat na lamang kami nang may marinig kaming malakas na dagundong na tila parang may bumagsak na poste. Akala namin ay may nabagsakan itong sasakyan. Napag-alaman namin na ang bumagsak ay palatida mula sa mataas na palapag ng isang building. Tinamaan nito sa ulo ang tatlong mag-aaral na naglalakad habang pauwi galing ng paaralan,” ayon sa isang saksi.

Agad naman isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang tatlong estudyante.