Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Isko

Trabaho, negosyo inihahanda ni Yorme Isko sa mga Manileno

Edd Reyes Aug 14, 2025
287 Views

INIHAYAG ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na gumagawa sila ng hakbang upang hasain ang mga residente sa mga kaalaman na may mataas na pangangailangan sa mga industriya sa bansa at abroad.

Sinabi ng alkalde na magiging panuntunan nila na ihanda ang mga nagnanais na makakuha ng pagkakataong makahanap ng trabaho o makapagsimula ng negosyo sa gumagandang ekonomiya ng Maynila.

“The city government’s direction is to equip yung mga indibidwal, bata man o matanda, na gusto magkaroon ng means and tools for livelihood,” sabi ni Mayor Isko kasabay ng kanyang pasasalamat sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na kanilang katuwang sa paghubog ng kasanayan sa trabaho ng mga Manilenyo.

Ang programa ng lungsod ay hindi lamang para tulungang makahanap ng trabaho ang mga residente kundi mahimok din silang magtayo ng kahit maliit munang negosyo.

“Sa mga negosyante, welcome sila sa Maynila, magnegosyo sila sa Maynila, maghanapbuhay sila sa Maynila, dahil ang Maynila ay well-equipped and ready to take their job opportunities,” sabi pa niya.

Pinayuhan din niya ang mga nagtapos na sunggaban ang mga oportunidad na ipinagkakaloob ng lokal na pamahalaan at tiyaking matutupad ang kanilang layuning magtagumpay sa napiling larangan.

Binigyang-diin pa ni Yorme Isko na ang pagpapalawak ng kaalaman ng bawat mamamayan ay bahagi ng kanilang hangarin ng kakayahang panlipunan.

Tiniyak din niya na magpapatuloy ang lungsod na mamuhunan sa mga programa tulad ng inialok ng MMDC, na 45 taon ng nagbibigay kasanayan at pangkabuhayan sa mga nagnanais magpunyagi.