Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Nakaw Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Maria Agbon ang mga akusado na nahaharap sa kasong qualified theft matapos maaresto sa bus terminal sa Cubao, Quezon City. JONJON REYES

3 kasamabahay arestado sa pagnakaw ng bra, kumot, tuwalya mula sa amo

Jon-jon Reyes Aug 15, 2025
365 Views

NAARESTO ang tatlong babae habang nakasakay sa bus sa Cubao, Quezon City dahil umano sa pagnanakaw ng mga gamit sa bahay sa Old Sta Mesa St. sa Brgy. 599, Sta. Mesa, Manila noong Biyernes.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Maria Agbon, commander ng Manila Police District-Sta. Mesa Police Station 8, bandang alas-4:30 ng umaga nangyari ang pangnenenok nina alyas Edna, 34; Flordeliza, 44; at Baby, 34.

Nangyari ang insidente sa 0290 Old Sta. Mesa St., Brgy. 599.

Base sa salaysay ng biktimang si alyas Armando, 55, napansin niyang nasa labas ng kanyang bahay ang suspek na si Edna na kanyang kasambahay.

Pumasok ang biktima sa kanyang bahay at natuklasan na wala na ang lahat ng gamit ng kanyang mga kasambahay sa kanilang mga silid at nawala na rin ang ilang mga gamit niya.

Kokomprontahin niya sana ang katulong pero nakaalis na ang mga suspek.

Sinundan niya ang kasambahay na noo’y papunta na sa terminal ng bus sa Cubao, Quezon City.

Tumuloy ang complainant sa Victory Liner terminal sa EDSA Cubao at hinalughog ang mga bus na nakita niya sa loob at papaalis na patungong Bolinao, Pangasinan.

Kaya naman, humingi ng tulong ang complainant sa duty guard at kalaunan sa mga arresting officer na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto at pagbawi ng mga ebidensya.

Nabawi ang mga ninakaw ng mga suspek na kinabibilangan ng 2 kumot, tatlong sports bra, tatlong bath towel at dalawang de-latang paninda na may total value na P8,315.

Kakasuhan ng qualified theft ang tatlong suspek.