Calendar
Honest flight status dapat ibigay sa ‘min–DOTr
INUTUSAN ng Department of Transportation (DOTr) lahat ng airlines na magbigay ng tapat na impormasyon sa mga pasahero sa kanilang flight status alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing mas maginhawa at walang abala ang paglalakbay ng mga Pilipino.
Kailangang ipaalam ng mga airlines ang anumang pagbabago, pagkaantala o pagkansela ng flight.
Ayon sa Air Passenger Bill of Rights (Seksyon 8–11), may karapatan ang pasahero sa refund, rebooking at iba pang tulong kung maaapektuhan ang biyahe.
Dapat igalang ng mga airlines ang buong halaga ng serbisyong binayaran ng pasahero at tiyakin ang kanilang kaligtasan at kaginhawaan.
Binigyang-diin ng DOTr na ang pagkaantala sa pagbibigay ng impormasyon ay nagdudulot ng abala, dagdag gastos at stress sa mga pasahero kaya tungkulin ng mga airline na maging maagap, malinaw at makatao sa pagbibigay ng serbisyo.

