DCA Mismong ang hepe ng Cavite police na si Police Colonel Ariel Red ang unang sumalang sa surprise drug testing para sa mga pulis sa provincial headquarters ng mga pulis sa Camp Brigadier General Pantaleon Garcia. DENNIS ABRINA

Cavite cops nagulat sa surprise drug test

Dennis Abrina Aug 19, 2025
199 Views

IMUS CITY, CAVITE–Nagulat ang mga pulis sa lalawigang ito sa sorpresang drug testing para sa lahat ng miyembro ng Cavite Police Provincial Office (CPPO) pagkatapos ng flag raising noong Agosto 18 sa Camp Brigadier General Pantaleon Garcia (Cuartel) sa Brgy. Poblacion 2 dito.

Ayon kay Police Colonel Ariel Red, Acting Provincial Police Director, bahagi ang drug test sa pagsisikap na matiyak na ang bawat pulis may disiplina, propesyonalismo, at tiwala ng publiko.

“Kung tayo mismo ay malinis at walang bahid ng ilegal na droga, mas matibay ang ating paninindigan at mas matibay din ang tiwala ng taong bayan sa atin,” sabi ni Col. Red.