Mariz Larawan: Maris Racal/IG

Maris nagluwal sa ospital ng……appendix

740 Views

HINDI bata kundi appendix ang inilabas ng aktres na si Maris Racal matapos siyang ma-ospital kamakailan.

Ito ay inanunsyo niya sa nakakatawang tono sa isang Instagram post kung saan sinabi niya, “congrats, it’s an appendix!”

Nagpasalamat ang aktres sa mga malalapit sa kanya na tumulong upang maging matagumpay ang kanyang appendectomy.

“Thanks to everyone who sent their love, my cool surgeon and doctors, nurses, and hospital staff for taking good care of me,” ani Maris.

Malaki rin ang pasasalamat ni Maris sa kanyang ate na nanguna sa pag-aalaga sa kanya. Dagdag pa niya, patuloy ang kanyang recovery mula sa operasyon.

Nagpahayag naman ng pagbati at suporta ang ilang showbiz personalities kabilang sina Jugs Jugueta, Agot Isidro, Nikki Valdez, at iba pa.

Matatandaan na kamakailan lamang ay ipinalabas sa mga sinehan ang pelikulang Sunshine na pinagbidahan ni Maris sa direksyon ni Antoinette Jadaone.