Crime Photo source: FB/National Bureau of Investigation

10 arestado ng NBI sa illegal online aktibidad

213 Views

SA pamumuno ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Judge Jaime B. Santiago (Ret.), inaresto ng NBI-Cavite North District Office (NBI-CAVIDO North) ang sampung indibidwal sa Bacoor City dahil sa paglabag sa R.A. No. 10175 o ang “Cybercrime Prevention Act of 2012” at R.A. No. 12010 o ang “Anti-Financial Accounts Scamming Act.”

Nakatanggap ng impormasyon ang NBI-CAVIDO North hinggil sa ilegal na online activities sa dalawang residential houses sa Bacoor, Cavite na pagmamay-ari ng isang dayuhan at pinatatakbo ng mga Pilipinong empleyado.

Nagsagawa ng surveillance ang mga agents ng NBI-CAVIDO North sa lugar at matapos makumpirma ang impormasyon, agad silang nag-apply para sa Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD).

Noong Agosto 19, 2025, sa koordinasyon ng lokal na pulisya, ipinatupad ng NBI-CAVIDO North ang WSSECD sa target na mga bahay. Nahuli ang mga subject na nakikipag-usap sa mga kliyente gamit ang mga pekeng social media accounts. Nakuha rin sa operasyon ang malaking bilang ng SIM cards at iba’t ibang cellular phones.

Sa isinagawang on-site examination ng NBI Cybercrime Division (NBI-CCD), natuklasan na sangkot ang mga subject sa isang fraudulent scheme. Ang data, scripts, notes, spiels, at mga programang natagpuan sa kanilang mga devices ay ginagamit sa ilegal na access, misuse of devices, computer-related fraud, at social engineering scheme.

Dinala ang mga subject sa inquest proceedings sa Prosecutor’s Office ng Bacoor City.

Nagpaalala naman si Director Santiago sa publiko na maging mapanuri at maingat sa pakikisalamuha sa social media at digital platforms, lalo’t patuloy na tumataas ang bilang ng mga krimeng ginagawa online.

STORY FROM THIS LINK: https://www.facebook.com/share/p/1An1aQ2E45/

#National Bureau of Investigation