Oducado

Presidential Commission para sa paglalatag ng masterplan iminungkahi ni Oducado

Mar Rodriguez Aug 22, 2025
246 Views

BUNSOD ng mala-dagat na pagbaha sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila. Iminumungkahi ni 1-TAHANAN Party List Representative Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado ang pagbubuo ng isang Presidential Commission para malatag o mag-develop ng masterplan upang makontrol ang mga pagbaha sa buong bansa sa tuwing raragasa ang malakas na ulan o isang bagyo.

Aminado si Oducado sa kabiguan ng kasakukuyang flood control system sa pamamagitan ng planning at implementation na tungkol ng bawat ahensiya ng pamahalaan sa gitna ng tumitinding pananalasa ng climate change na naghahatid ng mga malakas na pag-uulan.

“Flood management in the Philippines is characterized by institutional fragmentation with responsibilities dispered across several agencies,” sabi ni Oducado.

Dahil dito, ipinananawagan ni Oducado ang partisipasyon ng Department of Science and Technology (DOST) sa itatatag na Presidential Commission kasama na ang mga kinatawan mula sa private sector gaya ni urban planning advocate Felino Palaflox at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Babes Singson para mag-develop ng masterplan na tatagal ng 50 hanggang 100 taon.