QCPD umaksyon: 18 huli sa 1-day warrant ops
Oct 11, 2026
FEEDING PROGRAM
Oct 11, 2026
Nangholdap naaresto sa Pampanga
Oct 11, 2026
Property developers may tie-up sa 4PH program
Oct 11, 2026
Calendar
Nation
Oil price hikes nakaumang na naman
Edd Reyes
Aug 22, 2025
364
Views
NAKAUMANG na naman ang pagtataas ng presyo mga produktong petrolyo sa susunod na linggo batay sa apat na araw na kalakaran sa pandaigdigang pamilihan ng langis, ayon sa Department of Energy (DOE).
Sa tantya ng DOE, tataas ng humigit-kumulang sa 50 sentimos kada litro ang gasolina, 40 sentimos kada litro ang diesel at 10 sentimos ang kerosina.
Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau (OIMB) Assistant Director Rodela Romero, bunga ng pagbagsak ng supply ng langis ng Estados Unidos at ang patuloy na tensiyon sa pagitan ng Israel at Iran ang ugat ng panibagong oil price increase
Karaniwan ng nag-aanunsiyo ng panibagong paggalaw sa presyo ng produkto ang mga kompanya ng langis tuwing Lunes at iim-implement sa Martes simula alas-6:01 ng umaga.
Property developers may tie-up sa 4PH program
Oct 11, 2026
GENCORP NABIGONG IDEKLARA P1.049 KITA
Oct 11, 2026
‘Abba Father’ tema na 48th anibersaryo ng JIL
Oct 11, 2026

