NBI

3 bebot buking sa NAIA sa kasong human trafficking

Jon-jon Reyes Aug 26, 2025
248 Views

NAARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-International Airport Investigation Division (NBI-IAID) ang tatlong suspek sa paggamit ng falsified document para makalabas ng bansa.

Nakilala ang mga naaresto na sina alyas Rhea, Nora at Baby na nahuli sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City bago makalipad papuntang Hong Kong.

Unang naharang ng mga miyembro ng Border Control at Intelligence Unit (BCIU) sina alyas Rhea at Nora sa boarding gates ng NAIA Terminal 3, habang napigil ang huli ng mga opisyal ng imigrasyon sa mga regular na inspeksyon sa nasabing terminal.

Sila ay na-flag dahil sa pagpapakita ng pinaghihinalaang huwad na Overseas Employment Certificates.

Ang mga naharang na pasahero ay una nang itinurn-over ng NAIA Task Force Against Trafficking (NAIATFAT)-IACAT sa I-PROBES at kalaunan ay ipinadala sa NBI-IAID para sa karagdagang imbestigasyon.

Ang tatlong indibidwal ay nagsiwalat na sila ay na-recruit sa pamamagitan ng isang social media platform upang magtrabaho sa Cambodia bilang mga Customer Service Representatives (CSRs), ayon kay NBI chief Jaime Santiago.

Inihayag ni NBI Director Jaime Santiago ang proseso ng pagkaka aresto ng tatlong babae na may kasong human trafficking at falsification sa boarding gates ng NAIA Terminal 3 sa Pasay City.