Cruz

OIC ng LTO itinalaga

193 Views

ITINALAGA ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista si Land Transportation Office (LTO) Executive Director Atty. Romeo G. Vera Cruz bilang Officer-In-Charge ng ahensya.

Ipinalabas ni Bautista ang Special Order No. 2022-130 alinsunod sa Memorandum Circular No. 1 na ipinalabas ni Executive Secretary Victor D. Rodriguez.

Si Vera Cruz ay mananatili umanong OIC hanggang sa Hulyo 31, 2022 o hanggang sa mayroon ng maitalagang permanenteng mamumuno sa LTO.

Bilang OIC si Vera Cruz ang mangangasiwa sa administrative at day-to-day function ng ahensya.