Calendar
Nagpasikat si Levi Hernandez ng Batangas-Tanduay Rum Masters.
Batangas nagpa-init sa MPBL
PATULOY ang pananalasa ng Batangas-Tanduay Rum Masters sa Manny Pacquiao presents 1xBet-MPBL 2025 Season.
Nagsanib pwersa sina Levi Hernandez, Philip Paniamogan at Mark Niel Cruz para sa Batangas na pinayuko ang Davao Occidental Tigers, 66-62, sa Ynares Center Montalban.
Nanguna si Hernandez sa kanyang 15 points at 3 rebounds, habang nag-ambag sina Paniamogan ng 13 points at 2 assists, at Cruz ng 11 points, 8 rebounds at 2 steals para sa Batangas, na umakyat sa 18-8 win-loss record kasunod ng Quezon Province (21-4) sa round-robin elimination phase ng 30-team, two-division tournament.
Matapos dumikit ang Davao sa 58-61 matapos ang triple ni Joseph Terso, kaagad bumawi ang Batangas sa three-point play ni Cruz at short jumper ni Dawn Ochea para matitak ang ika-animna dikit na panalo ng Batangas.
Samantala, hiniya ng Rizal Provincl Xentromall Golden Coolers ang Bulacan Kuyas, 95-59, habang itinumba ng Pasig City ang Marikina, 76-72, sa iba pang mga laro sa kumpetisyon na itinataguyod ni boxing champion Manny Pacquiao sa tulong ni PBA legend at commissioner Kenneth Duremdes
Nagpsikat si Edward Paul Labayen, ang prized recruit mula Our Lady of Fatima University Phoenix, sa kanyang13 points, 4 rebounds at 2 assists para sa Rizal, na ngayon ay may 16-8 kartada kontra sa Gensan (15-10) at Basilan (14-11) sa labanan para sa spots sa playoffs.
Nakatulong niya sina Eric Camson,na may12 points at 4 rebounds, Neil Tolentino na may 11 points at 2 rebounds; at Alwyn Alday na may 10 points at 2 assists.
Ang Bulacan ay bumagsak sa 3-22 record sa kabila ng 11 points, 10 rebounds at 4 assists ni Joseph Celso.

