Calendar
Mga larawan: Recto Engine/FB
Bumbero sa Maynila, biktima ng ‘fake sunog’ gawa sa AI
NABULABOG ang ilang residente ng Brgy. 20 sa Parola, Maynila nitong September 4, matapos kumalat online ang post na nagpapakita ng isang truck na diumano’y nasusunog.
Agad namang rumesponde ang mga bumbero, pero pagdating nila sa lugar — walang apoy, walang usok, at walang sunog na truck. Ang larawan, gawa diumano sa artificial intelligence o AI.
“Sa gumawa neto sana managot,” matapang na pahayag ng isang firefighter mula sa Recto Volunteer Fire Brigade, matapos masayangin ang oras at pwersa ng kanilang operasyon.
Galit na galit din ang netizens sa panloloko: “Yan ang mahirap sa AI naaabuso,” komento ng isa.
“Mga walang magawa sa buhay kung di mang abala ng iba,” dagdag pa ng isa pang reaksyon.
Sa ngayon, nananawagan ang mga awtoridad na mapanagot ang nagpakalat ng maling impormasyon para hindi na maulit ang ganitong klaseng insidente na nagdudulot ng kalituhan at sayang na resources.

