Calendar
Call center agent hinoldap, pumalag; 2 holdaper tiklo
TIMBOG ang dalawa sa apat na holdaper na nangholdap sa 25-anyos na call center agent noong Biyernes sa Makati City.
Ayon sa report, naglalakad pauwi ang biktimang si alyas Vinz ng harangin ng apat na holdaper sakay ng dalawang motorsiklo sa kanto ng Metropolitan Avenue at Ayala Extension, Brgy. San Antonio.
Bumaba ang dalawang naka-angkas sa motorsiklo at hinablot ang kwintas at bracelet ni Vinz habang may nakatutok na baril sa biktima.
Nagsisigaw na humingi ng tulong ang biktima na nakatawag pansin sa mga tauhan ni Makati Police Chief P/Col. Reycon Garduque na nagsasagawa ng surveillance sa lugar.
Naaresto ang dalawa na sina alyas Burnok, 25; at Gelo, 23, pero nakatakas ang dalawa nilang kasabuwat sakay ng motorsiklo.
Nakuha sa kanila ang isang toy gun at tunay na .9mm pistol na kargado ng apat na bala, kuwintas ng biktima na nagkakahalaga ng P20,000 at bracelet na nagkakahalaga ng P13,000.
Binigyan ng commendation ni Southern Police District (SPD) Acting Director P/BGen. Randy Arceo ang mga pulis dahil sa mabilis na pagresponde sa krimen.

