Accreditation ng 12 driving school binawi ng LTO
Apr 22, 2026
Calendar
Umabot sa 100 couples ang ikinasal sa mass civil wedding na pinangunahan nina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Bise Alkalde Chi Atienza noong Huwebes. Kuha ni JonJon Reyes
Metro
Payo ni VM Chi sa mass wedding ng 100 couples: Laging kiligin
Edd Reyes
Sep 5, 2025
255
Views
IBINAHAGI ni Vice Mayor Chi Atienza sa mahigit 100-mag-asawang lumahok sa “Kasalang Bayan 2025” ang pangangailangan ng spiritual na gabay at katalinuhan sa pagsasama bilang mag-asawa.
Isinagawa ang maramihang libreng kasal kasabay ng pagpapasinaya sa Bulwagang Bayani sa Manila City Hall na pinangunahan nina Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Atienza kung saan binigyang-diin ng bise alkalde sa kanyang pagsasalita na dapat magkaroon ng matatag na pundasyon ang mag-asawa lalu na sa gitna ng mabigat na suliranin.
“Place God at the center. As you both move closer to God, you will naturally grow closer to each other. He is the only one who can bind you together, especially in those moments na naiiyak na kayo,” pahayag pa ni Atienza.
Bukod sa payong ispirituwal, nagbigay din ang bise alkalde ng personal na mensahe sa mga ikinasal na panatilihin at pananabik nila sa isa’t-isa at huwag iwaglit ang kanilang wagas na pagmamahalan kahit anong oras o panahon.
‘Wag na ‘wag niyong iisipin na dahil magkasama na kayo, pwede na kayong hindi magpansinan. I believe that when you love each other every day, na may kilig pa rin sa inyong mga mata at puso, your life together will be more successful,” dagdag pa niya.
Bilang dagdag na pampasaya, ibinahagi rin ng alkalde ang tamang panundunan para sa masayang pagsasama, lalu na sa lalaki. “The first rule: The wife is always right. The second rule: If you think you are right, go back to rule number one.”
6 arestado sa P8.9M ninakaw na petrolyo
Apr 21, 2026
2 nakitang patay sa condo: 1 ‘minartilyo’, 1 suspek
Apr 21, 2026
2 nagpa-gas sabay takas sa Payatas huli
Apr 21, 2026
Reklamo bumuhos sa sunog sa Navotas landfill
Apr 21, 2026

