Calendar
Pangulong Marcos maluha-luha, lubos na dismayado
NALUHA si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. habang inilalabas niya sa ang kanyang pagkadismaya na patuloy naghihirap ang mga Pilipino sa gitna ng mga kaganapan sa bansa ngayon, na tila ang kanyang tinutukoy ay ang mga anomalyang kinasasangkutan ng mga multong proyekto sa baha.
Sa video na ipinalabas ng Presidential Communications Office sa interview sa kanya ng GMA broadcaster na si Vicky Morales, sinabi ng Pangulo na siya ay lubos na dismayado.
Napuna ni Morale na naluluha ang Pangulo at nagtanong ng, “Are you upset?”
Na sinagot ng Pangulo ng,” “Yes, [I’m teary-eyed] because I’m very upset. I see people having a hard time, and they don’t deserve it. Mabuti kung masamang tao ‘yan, dapat parusahan. Hindi naman eh, walang ginawa ‘yan kung hindi magtrabaho, kung hindi mahalin ang pamilya. Bakit mo paparusahan? Para magpayaman ka?”
“It makes no sense to me,” dagdag ng Pangulo.

