Calendar
Tulfo iminungkahing ibasura, baguhin PCAB Law
HINDI makapaniwala si Sen. Erwin Tulfo na para maging board of director ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB), kailangan maging isang contractor daw muna.
Ayon kay Sen. Tulfo, “Nakasaad kasi sa R.A. 4566 o ang Contractors’ License Law, kung saan nakapaloob ang Philippine Contractors Accreditation Board (pcab), na kailangan contractor ang mga uupo sa board ng PCAB”.
“Papaano nila babantayan, pangasiwaan, o i-regulate ang mga konstruksyon ng proyekto sa bansa kung maayos at hindi substandard o kaya’y ghost project, kung sila mismo ang mga contractor nito?”, tanong ni Tulfo.
Aniya, “malinaw na there is conflict of interest here!”
Kaya naman, maghahain ang naturang mambabatas ng isang resolusyon sa lunes (Sept. 8) para rebyuhin ang RA 4566 at kung kailangan baguhin partikular ang requirement bilang contractor para maging opisyal ng PCAB.
“Hindi ko maisip kung bakit naipasa ang batas na ito gayong self-serving ang ilang probisyon nito tulad ng qualification ng board of directors,” anang senador.
Dalawa sa board of director ng PCAB ay nakakuha ng malalaking government projects.
Ang isa ay nakakuha ng ilang bilyong halaga ng flood control.
Ang chairman naman nito na sinibak na sa pwesto ay isang contractor din.

