Tulong sa mga OFWs sa Middle East kailangan
Mar 6, 2026
Scam hub operator nadakma
Mar 6, 2026
Bagong hepe ng PDAO, OSCA ipinakilala
Mar 6, 2026
Calendar
Nation
Royina Garma, dating PCSO hepe, balik Pinas
Peoples Taliba Editor
Sep 6, 2025
228
Views
DUMATING sa Ninoy Aquino International Airport si retired police colonel at dating hepe ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Royina Garma mula Los Angeles, California nitong Sabado ng gabi.
Siya ay nahaharap sa kasong murder at frustrated murder kaugnap ng pagkamatay ni Wesley Barayuga, dating board secretary ng PCSO, noong 2020.
Ang mga paratang ng kanyang kaugnayan sa nasabing pagpatay ay mariing tinanggi ni Garma sa pagdining sa House of Representatives,
Noong Nobyembre 7 ay naharang si Garma sa California dahil sa kanseladong visa. Dahil dito ay nag-apply siya sa ng asylum sa Estados Unidos.

