BoC

P131M sigarilyo na ipinasok sa bansa nakumpiska

169 Views

NAKUMPISKA ng Bureau of Customs – Port of Subic at Intelligence Group ang mga sigarilyo na iligal umanong ipinasok sa bansa.

Ayon sa BOC nagkakahalaga ng P131.14 milyon ang mga nakumpiskang sigarilyo na tinangka umanong ipasok ng shipments consigned na Russhi Knish Consumer and Proline Logistics.

Ang mga brand ng sigarilyo na nakumpiska ay hindi umano kasali sa listahan ng rehistradong importer ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kaya nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention.