BBM

Pahayag ng mga Discaya alegasyon lang — PBBM

266 Views

BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong na ang mga pahayag ng mag-asawang kontratista na sina Curlee at Sarah Discaya tungkol sa umano’y iregularidad sa mga flood control project ay mga paratang lamang at hindi mga pagbubunyag ng katotohanan.

“Yeah, can I correct that? These are not revelations; they are allegations. Those are very different… Allegations and revelations are extremely different,” ani Marcos sa harap ng mga mamamahayag sa Cambodia.

Ipinaliwanag ng Pangulo na isasailalim pa rin sa masusing pagsusuri ang usapin sa pamamagitan ng isang independent commission na itatayo ng Malacañang ngayong linggo. “Kailangan masalimuot at detalyado ang ating magiging imbestigasyon,” dagdag niya.

Nagbabala rin ang Pangulo laban sa name-dropping, matapos madawit ang pangalan ni House Speaker Martin Romualdez sa mga akusasyon ng Discayas. “Alam naman ninyo ‘yan that nine-name-drop lahat… ,” saad ng Pangulo.

Inamin din ng Pangulo na ang korapsyon sa flood control projects ay naging “institutionalized” sa loob ng maraming dekada, ngunit tiniyak niyang gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat upang buwagin ito. Philippine News Agency