Fake Ipinapakita ni NBI Director Jaime Santiago ang mga nakumpiskang pekeng beauty products mula sa iba’t-ibang lugar. JONJON C. REYES

Pekeng imported items nakumpiska sa 19 stores , 5 bodega

Jon-jon Reyes Sep 11, 2025
293 Views

LABING-siyam na tindahan at limang bodega sa Pasay, Manila, Valenzuela, Malabon at Quezon City ang ni-raid ng mga agents ng National Bureau of Investigation–National Capital Region (NBI-NCR) dahil sa paglabag sa RA 8293 o ang “Kodigo sa Intelektwal na Ari-arian ng Pilipinas.”

Karamihan sa mga items na binebenta mga beauty products at sabon.

Isinilbi ng mga agents ang mga warrants sa 19 na tindahan at limang bodega noong Setyembre 3, ayon kay NBI director Jaime Santiago.

Ilan sa mga ni-raid ang tindahan sa Binondo, Manila; dalawang tindahan sa Malinta at dalawang bodega sa Dalandanan, Valenzuela City; isang tindahan sa Tinajeros, Malabon; at isang tindahan sa North Fairview, Quezon City.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagbawi ng 31,597 klase ng mga produktong Victoria’s Secret at 14,965 Bath & Body Works na may kabuuang halaga na P14,520,200.

Nag-ugat ang kaso sa isang reklamong inihain sa ngalan ng Victoria’s Secret at Bath & Body Works.

Pinuri ni Director Santiago ang NBI-NCR sa tagumpay na raid.